Naiinis nako!! Kagabi nag-text sakin si Lei na kailangan daw ipasa yung docu 1-3 ngayon. Nakakatawa kasi nilalagyan namin ng posibleng dahilan kung bakit biglang ipapasa yung mga docu na yun ngayon. Naisip namin na ginawa ng prof namin yun dahil hindi na kami pumapasok sa subject na yon. Si Lei may OJT pero ang alam ko, nasa school na sya sa mga oras na yon. Ako naman, hindi pumapasok dun kasi umuuwi ako ng maaga or umaalis agad ako pagkatapos ng 10am class ko para pumuntang Glorietta. hehehe. Pero badtrip talaga si Sir. Nung una binibigyan nya kami ng maling impormasyon o mga detalye na kami lang ang sinabihan niya. Kung pwede lang talaga eh suko na ako. Hindi ko na kayang tapusin ang course na ito. Mas magiging masaya pa ako kumuha ng vocational. Pero hindi talaga pwede dahil kahit papano ay kailangan ko ang diploma. Grr..
Nasa taping ako ng NUTS kagabi. Wala si Richard, hay nakakalungkot. Pag-dating pa lang namin nakita ko na si Iwa Moto kasama yung boyfriend niyang si Yexel. Pero dumeretso kami kay Tito Anjo na nagpapamasahe at agad na sinabing, “Ay wala si Richard ngayon”. Pero ok lang. Hindi lang naman si Richard ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko pumunta doon. Aside na yung na nga eh gusto ko din talagang nanonood ng taping. Kasi may mas enjoy na pangyayari na hindi na nakikita sa TV. Kina-cut na kasi yung iba pag di na kasya sa oras. Ang daming oras na nasasayang sa taping lalo na sa NUTS. At walang script ang balakubak except minsan kila Cookie at Belli na laging naguupakan. Pero all in all, mas masaya pag nandon ka.
Pag akyat namin nanonood sila Tita Gelli at Mina ng One Tree Hill, andoon din sila Brad at Sherwin. Nakita ko din si Jackie Rice na biglang nawala pagka galign ko ng C.R. Naki-chicka lang mami ko tapos bumaba na kami ulit kung saan Balakubak na ang segment. Pang-2 episode tine-tape nila kasi Undas na sa isang Linggo, 2 weeks day-off daw sila. Guest nila si Katrina Halili. So nagpa picture ako. Hindi sya friendly at namamlastik lang. Nakaka turn-off. Binigyan pa naman namin sya ng roll-on na eyeshadow na hindi nya na-appreciate.
Ang 2nd tape ng Balakubak ay si Butch Francisco ang guest. Nakakatawa kasi ang dami nilang chicka pero hindi na namin tinapos kasi 12mn na. Grabe ang na-aksayang oras talaga. 8pm pa kami andoon at 10pm na ata nag-simula. Gusto ko minsan pumunta doon ng maaga-aga. Para mas maraming mapanood.
Bago kami umuwi ay umakyat ulit ako sa dressing room para magpaalam kila Tita Mina. Nagulat ako kasi andon pa pala si Iwa. Nawala kasi sya nung bumaba ulit kami. Nagpa-picture ako at mabait naman siya. Friendly at hindi isnabera. Natuwa siya sa nabigay naming lip balm. Kaylangan nya daw yun kasi nag-da-dry na lips nya. Nanghinayang tuloy kami na kay Katrina pa namin binigay yung eyeshadow. Pero ok lang. Atleast alam ko na kung sino ang papasalubungan ko next time. wahehehe..
No Related Post













1 Response
Hi! Link exchange?
Posted on October 28th, 2006 at 10:09 pm
Add A Comment