October 29, 2006

(6) Comments

kung anu-anong kwento

nix


253 words      Disclosure Policy   

Naiinis ako na nanood kami ng The Grudge 2 nung Wednesday. Kahit na hindi talaga ako tumitingin eh naiisip ko pa rin sya. Pero hindi naman ako naniniwala sa mga multo, nakakatakot lang yung itsura tsaka kung pano ginawa. So yun.

Kakagaling ko lang sa church at nakakainis kasi hindi ako nakapanood na naman ng Hannah Montana. YP night na kasi sa 2nd week ng November at kailangan naming mag-praktis. Nung 5 na sabi ko uwi muna ako at babalik na lang pero sabi nila wag na kasi nga may praktis pa. Tapos biglang nag-uwian na nung bandang 5:45. Nakakainis talaga. Hindi rin kasi ako nakapanood kahapon kasi umalis naman kami ng mami ko pagkadating niya from flight. Hay.

Kailangan ko pa i-revise ulit yung docu namin sa sofeng kasi may kulang pala sa ginawa ko. Pero mamaya ko na siya gagawin pagdating ng mami ko at gagamitin ko tong time na to para magliwaliw. Kailangan na rin pala isoli yung blue print ng Greenwoods na hindi ko pa tapos. Hay. Nakakinis talaga. Nagugutom pa ako. Ano kaya ang makain?

Sa kabila ng mga pangyayaring pang-asar, hindi na ako maka-antay ng araw na makukuha ko na ang tuta ko. Yung kaibigan ng mami ko ay nag-bebenta ng pug. Bumili yung mami ko at makukuha daw namin sa December. Bagong panganak kasi at aayusin pa ang mga papeles at tatapusin yung mga shots niya bago ma-release. Excited nako kasi nagkita daw sila kahapon nung may ari at baka late November daw ay ma-release na yung aso. Saya.

Popularity: 5% [?]

October 27, 2006

(1) Comment

badtrip si sir, buti na lang may NUTS

nix

,


500 words      Disclosure Policy   

Naiinis nako!! Kagabi nag-text sakin si Lei na kailangan daw ipasa yung docu 1-3 ngayon. Nakakatawa kasi nilalagyan namin ng posibleng dahilan kung bakit biglang ipapasa yung mga docu na yun ngayon. Naisip namin na ginawa ng prof namin yun dahil hindi na kami pumapasok sa subject na yon. Si Lei may OJT pero ang alam ko, nasa school na sya sa mga oras na yon. Ako naman, hindi pumapasok dun kasi umuuwi ako ng maaga or umaalis agad ako pagkatapos ng 10am class ko para pumuntang Glorietta. hehehe. Pero badtrip talaga si Sir. Nung una binibigyan nya kami ng maling impormasyon o mga detalye na kami lang ang sinabihan niya. Kung pwede lang talaga eh suko na ako. Hindi ko na kayang tapusin ang course na ito. Mas magiging masaya pa ako kumuha ng vocational. Pero hindi talaga pwede dahil kahit papano ay kailangan ko ang diploma. Grr..

Nasa taping ako ng NUTS kagabi. Wala si Richard, hay nakakalungkot. Pag-dating pa lang namin nakita ko na si Iwa Moto kasama yung boyfriend niyang si Yexel. Pero dumeretso kami kay Tito Anjo na nagpapamasahe at agad na sinabing, “Ay wala si Richard ngayon”. Pero ok lang. Hindi lang naman si Richard ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko pumunta doon. Aside na yung na nga eh gusto ko din talagang nanonood ng taping. Kasi may mas enjoy na pangyayari na hindi na nakikita sa TV. Kina-cut na kasi yung iba pag di na kasya sa oras. Ang daming oras na nasasayang sa taping lalo na sa NUTS. At walang script ang balakubak except minsan kila Cookie at Belli na laging naguupakan. Pero all in all, mas masaya pag nandon ka.

Pag akyat namin nanonood sila Tita Gelli at Mina ng One Tree Hill, andoon din sila Brad at Sherwin. Nakita ko din si Jackie Rice na biglang nawala pagka galign ko ng C.R. Naki-chicka lang mami ko tapos bumaba na kami ulit kung saan Balakubak na ang segment. Pang-2 episode tine-tape nila kasi Undas na sa isang Linggo, 2 weeks day-off daw sila. Guest nila si Katrina Halili. So nagpa picture ako. Hindi sya friendly at namamlastik lang. Nakaka turn-off. Binigyan pa naman namin sya ng roll-on na eyeshadow na hindi nya na-appreciate.

Ang 2nd tape ng Balakubak ay si Butch Francisco ang guest. Nakakatawa kasi ang dami nilang chicka pero hindi na namin tinapos kasi 12mn na. Grabe ang na-aksayang oras talaga. 8pm pa kami andoon at 10pm na ata nag-simula. Gusto ko minsan pumunta doon ng maaga-aga. Para mas maraming mapanood.

Bago kami umuwi ay umakyat ulit ako sa dressing room para magpaalam kila Tita Mina. Nagulat ako kasi andon pa pala si Iwa. Nawala kasi sya nung bumaba ulit kami. Nagpa-picture ako at mabait naman siya. Friendly at hindi isnabera. Natuwa siya sa nabigay naming lip balm. Kaylangan nya daw yun kasi nag-da-dry na lips nya. Nanghinayang tuloy kami na kay Katrina pa namin binigay yung eyeshadow. Pero ok lang. Atleast alam ko na kung sino ang papasalubungan ko next time. wahehehe..

Popularity: 5% [?]

October 22, 2006

(10) Comments

sakit

nix


156 words      Disclosure Policy   

Masama pakiramdam ko pagkagising ko kanina. Nalulungkot ako kasi hindi na naman ako nakasimba at mukang di ako makaka attend ng YP mamaya dahil ang sakit pa rin ng ulo ko. Kailangan kong bumuti para makapag linis pa mamaya dahil baka hindi ko na magawa bukas dahil may pasok na. Sa Martes ang balik ng mami ko. Kung kailan umiinom ako ng maraming tubig saka pa ko nagkasakit. Sana bumuti na pakiramdam ko.

Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Napakarami kong dapat gawin lalo na yung proyekto namin dahil sa isang linggo na ang pasahan ng mga dokumento noon. Pero hindi talaga kakayanin, maya’t maya napipikit ako sa sakit ng ulo. Dapat na ata muna akong mag-pahinga.

Ang gwapo talaga ni Richard Gutierrez. Sana matuloy kami sa Huwebes sa pagpunta ulit sa taping ng Nuts Entertainment. Nasabi kasi ng mami ko kay Tito Anjo na gusto ko ulit pumunta at sabi niya naman ay ok lang. Sana matuloy.

Popularity: 9% [?]

October 21, 2006

(3) Comments

pagpapala

nix

, ,


364 words      Disclosure Policy   

Masaya ako kasi nakapanood ako ng Hannah Montana kanina. Hindi kasi ako lumabas ng bahay at kaka-charge ko lang ng cellphone ko na nag-aalarm kapag palabas na ito. Gustong-gusto ko talaga yung palabas na yon. Pero minsan naiisip ko si Miley Cyrus ay parang si Amanda Bynes kung umarte minsan. Okey lang kasi pareho ko naman din sila gusto.

Masaya din ako sa layout na ito. Napakadaling gamitin ng K2 na tema at gusto ko pa mag-dagdag ng mga plug-in. Wala pa lang akong panahon sa ngayon pero dadating din ako dun. Sa ngayon, simple muna, tutal simpleng tao lang naman ako. Kahit anong garbo ng disenyo ang ibigin kong gawin ay wala akong panahon para dito.

May dalawang linggo na akong hindi nakakapasok ng maayos sa eskwelahan. Nagka problema na naman ako sa pag-gising noong isang araw. Parang kay tagal na nang huli akong pumasok pero nag-prelim exam kasi kaya parang ganun nga. Hay. Matutulog na ako ng maaga ngayon para makapagsimba ng maaga bukas. At para din makapasok ng maaga sa Lunes.

Tinawagan ko ang aking ina kanina gamit ang natitirang laman ng card na binili ko dati. Hindi din kami nakapag kwentuhan ng matagal dahil andun pa si Tita Emily sa kwarto niya at marami na naman daw itong bigay para sa akin. Nagsabi akong tatawagan ko siya ulit ngayong gabi pero mukhang di ko na kakayanin. Inaantok na ako at hindi pa ako nakakabili ng panibagong card. Isa pa, madaling araw na ngayon sa San Francisco. Bukas na lang siguro.

Muntik ko ng makalimutan ang isa pang masayang nangyari sa akin. Sa wakas ay mayroon na akong MP3 player. Hindi kilalang pangalan pero ito’y katulad din ng mga mamahaling MP3 player na binibili ng karamihan. Ang tatak nito’y MPIO at ito ay may 1Gb na memory. Sa ngayon nalagyan ko ito ng mahigit dalawang daang kanta at halos may kalahati pa ang libreng espasyo. Gamit ang Diet MP3 na binigay sa aking ng isang kaibigan dati, napaliit ko ang filesizeng bawat kanta, kaya marami-rami pa akong mailalagay dito.

Nakakatawa kung isipin na malalim ang tagalog ko pero ito ang gusto ko.

Sa iyo kaibigan, na nag-titiyagang bumisita sa aking munting espasyo sa WWW, maraming maraming salamat!

Popularity: 5% [?]

October 21, 2006

(1) Comment

panibagong simula

nix


237 words      Disclosure Policy   

Pitong buwan ang nakalipas ng bilhin ko ang host at domain na ito para sa sariling kaligayahan. Gusto ko kasi magkaroon ng sarili kong web site. Noon naisip ko na hindi na ako gagawa ng ibang blog dahil gusto ko na nasa isang lugar lang ang mga opinyon ko. Pero eto ako ngayon at nag-sisimula muli.

Gumawa ako ng panibagong blog dahil gusto kong mas ayusin ang sistema. Dahil pang ilang blog ko na ito ay mas alam ko na kung ano ang gusto kong gawin. Kung paano ba dapat.

Di tulad ng dati ay hindi na ako gaano interesado sa pag-ba-blog. Minsan naiisip ko na sana nagpa-host na lang ako sa iba. Gusto ko nga noon kay Nicole eh.. bagay naman kasi sa akin yung pangalan. Antukin din kasi ako. Pero ok lang. Nung minsan naisip ko din kung papalitan ko ba yung domain ko. Siguro nickle.net na lang. Sa March pa naman ang expiration nito kaya baka mag-bago ulit isip ko. hehehe..

Sa ngayon eto muna ang layout ko. Gusto ko pa din yung Hannah Montana pero siguro hindi ko na babaguhin ang template. Etong k2 na lang din gagamitin ko.

Gaya ng sabi ko dati, bumili ako ng notebook na magiging journal ko. Lagi akong online pero pag naka upo nako sa computer ay nakakalimutan ko na kung ano ang gusto kong i-kwento at naiiba na ang laman ng utak ko. Kaya yun ang silbi ng notebook.

Yun lang.

Popularity: 5% [?]